Linggo, Disyembre 15, 2013

Kagandahan ng Bohol

 
Isang Maligayang Araw sa inyong lahat! Kami nga pala ang pangkat 9 ng 7 – Vela sa ilalim ng aming tagapayo at guro sa Filipino na si Mr. Marvin Dawisan. Kami ay nag-aaral sa City of Mandaluyong Science High School. At bago ang lahat, magpapakilala muna kami. Ang aming pangkat ay may 4 na miyembro. Ang mga pangalan namin ay Dezniel Graza, Neil Rizardo, Cris Dumaguit at Mariane Revereza. Itong blog na ito ay aming proyekto sa Filipino. Sana ay may matutunan kayo sa aming ginawa!
 
Napakaraming puwedeng gawin sa Tagbilaran, Bohol. Maraming mga magagandang tanawin at pasyalan ang puwede mong mapuntahan. Isa na dito ang mga pangunahing atraksyon na ang Chocolate Hills at ang Tarsier. Dito rin matatagpuan ang paliparan. Mayroon ring sikat na pasalubong dito, ang Peanut Kisses. Tanyag din rito ang Alona Beach.
Ang Chocolate hills ay isang burol. Nagiging berde ito pag tag-ulan, at kulay chocolate kung tag-araw. Ito ay matatagpuan sa Bohol. Kilala ito dahil sa kulay tsokolate. Maraming turista ang nagpupunta sa Bohol para makita ang chocolate hills.
Ang Chocolate Hills ay isang malawak na lupain kng saan matatagpuan ang napakaraming burol. Ito ay tinawag na Chocolate Hills dahil ito ay kulay tsokolate tuwing tag-init/tag-tuyot at ito naman ay kulay berde tuwing tag-ulan. Ito ay makikita sa Brgy. Carmen sa Bohol. Ang dahilan kung bakit hindi ito tinutubuan ng kahit anong puno dahil sa ilalim nito ay puno ng limestone. Umaabot ng 1,776 na burol ang matatagpuan na nakakalat.
 
 
Ang Tagbilaran Airport ay ang nag-iisang paliparan na makikita mo sa buong Bohol.
 

 
 

Ang mamag, na kilala sa Ingles bilang tarsier ay isang bertebrado sa klaseng mamalya. Isa ito sa pinakamaliit na mamalyang hayop na nagpapasuso sa mga anak. Isa itong nokturnal o panggabing hayop. Aktibo lamang ang mga mamag tuwing gabi kung kailan naghahanap sila ng kanilang mga makakain. Kilala ang mga mamag sa taglay nilang mga naglalakihang mata. Ito ang tumutulong sa kanila upang makahanap ng mga makakain sa gitna ng kagubatan. Sa Timog Silangang Asya karamihang matatagpuan ang mga mamag. Pinakatanyag ang mga uring makikita sa Indonesya at Pilipinas. Sa Pilipinas makikita ang mga ito sa lalawigan ng Bohol sa Gitnang Visayas. Tinatawag din itong mawmaw (maomao) o maomaog.
 

 

Ang Peanut Kisses ay ang pinakasikat na produkto para pampasalubong sa mga mahal sa buhay. Eto ay isang napakasarap na pagkain.

 


 

Ang Alona Beach ay ang pinakasikat na dalampasigan sa bohol. Puti ang buhangin dito kaya maraming turista ang pumunta rito. May mga bahay at pamilihan din rito sa dalampasigan.
 
 
Brochure
 
 
 
 
Paano kumikita ang mga tao sa Bohol? 
- Sa pamamagitan ng pagbenta ng mga kanilang produktong palay, mais at buko. Ang paghahabi rin ang kanilang importanteng industriya. Sa kasalukuyan, kumikita rin sila dahil sa turismo.
 
Ano ang karaniwang nilang pinagkakakitaan?
- Ang pagsasaka, paghahabi at turismo. Agrikultura ang pangunahin nilang kabuhayan.
 
Bakit ito ang karaniwang trabahong makikita rito?
- Pagsasaka: Dahil mayaman ang produktong mais, palay at buko dito.
- Paghahabi: Dahil para may mga gagamitin sila tulad ng mga basket, bag, tsinelas, atbp.
- Turismo: Dahil maraming mga magagandang tanawin at mga atraksyon na makikita dito. Tulad ng chocolate hills, tarsier at mga magagandang beach resorts. Sa Tagbilaran rin lang matatagpuan ang nag-iisang paliparan para makapunta sa Bohol.
 
May kaugnayan ba ang mga trabahong ito sa kasaysayan ng bayan? Sa lugar?
- Opo
 
Sa inyong palagay, mapapaunlad ba nito ang bayan?
- Opo


 
Infomercial
 
 
Poster Making
 
 
Interview
 
 
Ilang mga larawan ng aming pangkat habang ginagawa ang proyekto:
 
 
 
 
 
-PANGKAT 9
*Dezniel Atenos Graza
*Neil Andrew Rizardo
*Cris Dominic Dumaguit
*Mariane Revereza